Ng muli ko silang makasama,
Mga batang nangungulila,
Sa pagmamahal at pagkalinga.
Muli ay aming binisita,
COTOLENGO para sa mga bata,
Kulang man ang pananalita
Titigan sila’y labis ang tuwa.
Kulang man at di perpekto,
Parehas din natin silang tao,
Dahil ditto sa ating mundo,
Kagaya nila ang pinahahalagahan ko.
Sa pagpapatuloy ng paglalakbay,
Maraming bata ang aking ginabay,
Nangailangan din sila ng kaagapay,
Animo’y buhay nila ay walang saysay.
Maraming salamat ang aking natanggap,
Pangarap na unti-unting pinapalasap,
Sa VITAS TONDO doon sila’y naghihirap.
Hindi man sila bingyan ng diyos ng kayamanan,
Sila ang mga batang dapat ingatan,
Dahil baling araw itong mga kabataan,
Ang siyang susunod na maglilingkod sa bayan.
Sa huling paglalakbay na aming tinahak,
Ang katawan ko ay napasabak,
Mga simento at buhangin na sandamak-mak
Mga pawis ay talagang pumatak.
Gumawa ng bahay para sa tao,
Naglingkod ako ng buong puso,
Kinaya ko naman hanggang dulo.
Kahit dalawang pader lang aming nagawa,
Pero kita ko sa bawat isa ang tuwa,
Di man kami magagaling na mangagawa,
Nagawa naman naming ito ng tama.
Maraming biyaya kaysa problema,
Yan talaga ang aking naalala,
Buhay ko’y umikot sa reklamong “kulang pa”,
Pero pagtingin ko sa labas mas higit pa ang problema.
Talagang di siya padadaig,
Ang diyos na lumikha ng daigdig,
Pasasalamat na nanggagaling sa aking bibig,
Sa pagtanggap ko sa kanyang pag-ibig.
Maraming salamat sa nagging intrumento.
Upang mahubog ko pa lalo ang aking pagkatao,
MUKHA AD na ipingamamalaki ko,
Dumadagdag sa mga kasiyahan ko.
Gusto ko ulit itong maranasan,
Kakaiba ang aking kaligayahan,
Pagod man ang aking naramdaman,
And ala-alang ito ay bahagi na ng aking kayaman.
likhang tula ni: Aileen Liezel Lambino