poem written by Aizel Lambino, Batch 21
Masiglang Ugnayan ang hatid,
sa mga kabataan ipinababatid,
MUKHA AD, grupong magkakapatid,
BATCH 21 na hindi mapatid-patid.
Sisimulan ko ang pagpapakilala,
sa aming grupong masaya,
halika na't makisama,
maghanda sa kakaibang ligaya.
RICO kanyang pangalan,
pag nandiyan kami'y naghahalakan,
iba talaga ang kanyang banatan,
Joke niya ay laging tinatawanan.
hyper itong si TOTO,
isa rin sa mga maloko,
sobrang kulit na tao,
siya rin ay romantiko.
si THOM na laging masaya,
nakangiti tuwing aking makikita,
taong marunong makisama,
kung minsan nakakaaliw talaga.
kung sa kulitan talaga,
si DON isa sa nangunguna,
kala mo tahimik siya,
kung tumawa ibang-iba.
isang magandang dalaga,
JOYCE aking pinapakilala,
sa kanya maraming nagtitiwala,
tunay siyang kahanga-hanga.
APA kung siya'y aming tawagin,
isa ring taong masayahin,
dalagang minsan mahinhin,
siya't talagang mamahalin.
ibang klase din itong si MAUEE,
kasiyahan minsan di mawari,
ganda niya'y kapuri-puri,
magandang boses na nakakabingi.
sa trip na di maubos-ubos,
si COR kung tumawa ang lubos,
aakalaing hininga'y kinakapos,
boses pa minsan ay paos.
itong si RUSS ay mabait,
may itsurang kaakit-akit,
isa rin sa mga makulit,
mukhang hindi nga ata marunong magalit.
CHITO na matulungin,
sa kanya maraming pumapansin,
kung minsa'y sumpungin,
lahat ng bagay kayang dalhin.
Genius na maituturing,
ang haba ng share tuwing meeting,
madali lang ding pasiyahin,
yan si JUDE na masunurin.
itong si SHAIRA na kalog,
para siyang walang tulog,
aakalaing laging sabog,
ngunit kakaiba ang alindog.
kilalanin ang pinakabata,
sa meeting never nagsalita,
siya raw ay nahihiya,
yan si MONIQUE na nakakatuwa.
siyempre ako ang panghuli,
ipinakikilala ko ang aking sarilli,
di ko alam kung anong pwedeng masabi,
ay! ako si AIZEL, sa sayawan matindi.
masayang ugnayan sa mga kabataan,
diyos din aking pinasasalamatan,
MUKHA AD, aking hinahangaan,
tunay kong pinagkakatiwalaan.
ito ang BATCH namin,
sana'y di kayo nabitin,
ito ang aking likhain,
kung ika'y bitin ULIT-ULITIN.
ang galing! thanks Aizel.. :)
ReplyDeleteBRAVO!!! MABUHAY KAYO!!!
ReplyDelete