“Everybody can be great...because anybody can serve. You don't have to have a college degree to serve. You don't have to make your subject and verb agree to serve. You only need a heart full of grace. A soul generated by love.” - Martin Luther King Jr.
Bata pa ako nang magsimulang maglingkod sa aming parokya bilang isang sakristan. Pero dahil mas hilig ko ang pag-awit, nag-shift ako to being a choir member. Natatandaan ko, in one of our practice, nagalit ang aming choir master. Kinuwestyon nya ang dedikasyon ng bawat isang choir member kaya't itinanong nya sa amin-- 'Ano ang dahilan kung bakit kayo nag-choir?'
Kinabahan ako kasi wala akong nakahandang sagot sa tanong nya--kasi ang alam ko lang, mahilig ako kumanta kaya sa choir ko gustong sumali. Gusto ko lang kumanta--ganong kababaw, ganon kasimple! Pero parang invalid yung sagot na yun. Buti na lang sumagot yung katabi ko ng- 'Para maglingkod sa Diyos.'
Mukhang magandang sagot yun..kaya yun na din ang sinabi ko. :)
Lumipas ang maraming taon, halos lahat na yata ng ministries at organizations sa parokya namin ay nasalihan ko na. Akala nga ng mga pinsan ko noon, magpapari na ako.
So, ano ang punto ko sa pagkukwento ko sa account na ito ng buhay ko?
Marahil, sa matagal na pag-serve ko sa aming parokya at presently sa MUKHA AD (naka-sampung taon na ako sa grupong ito--palakpakan naman!), ang nagpanatili sa akin ay ang kagustuhang i-profess ang gawain ng Diyos.. maging minister ng faith. Siguro, to become like Christ. Ang bigat na mga salita, ano? Minsan, may mga nagugulat na meron pala akong side na ganito.. :))
Meron akong good news at bad news. Ang good news, all of us can become like Christ. Ang bad news, it is hard to become like one.
Siguro, kung tatanungin ako ulit ng choir master na iyon ngayon kung bakit ako sumali sa grupo--ibibigay ko ulit ang sagot ko noon--para makapaglingkod sa Diyos. Pero ngayon, mas malalim na ang kahulugan ng salitang paglilingkod. Lagi ko ngang sinasabi na I'd like to be God's instrument to touch other people's lives.. to become the human touch.
We could all get busy with our schedules, pero it's a joy in me to share an ample of my time. I'd like to use this chance to let others experience the wonders of God's work. Gusto kong maging mulat rin ang nakakarami sa paglilingkod.
Katulad nga ng nabanggit ko, it's hard to become like Christ. Kahit si Kristo nga mismo ay maraming hirap na dinanas di ba? When you accept the challenge to be of service to God and to others, expect that it's not always smooth sailing. Isa pang natutunan ko, kasama sa paglilingkod ang krus--ang pagpasan nito. Yes, we all have our low moments, but the great news is, we have the Lord!
May nabasa ako: I'd rather be a small fragment of mirror where others can draw light. I hope that one day we all can produce a bigger light because we have reflected a smaller light from each other.
At ang isa pang good news, yes, I see Christ in you. :) Be a blessing by serving others.
2 Cor. 4:5- It is not ourselves that we are proclaiming but Christ Jesus as the Lord, and ourselves as your servants for Jesus' sake.
by: Aleckx MUKHA AD B14
(y) <3
ReplyDelete