Ukay, Ukay, Ukay…Akin, Akin, Akin…

article shared by Bro. Thom, OP 

Bumaba, umikot, umupo, umikot ulit…

Marahil  nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng sinulat ko sa taas. Wala lang. Tayp ko lang!
Aktwali, yan ang mga ginawa natin pagdating sa Caritas Manila (teyk not: sila ang unang Caritas sa Pilipinas). Una, bumaba sa bus at sinalubong tayo ni Sir, (ano na nga ba ang panangalan ni Sir?) at umikot tayo sa buong kumpawnd. Apter nun, pumasok tayo sa isang silid at umupo upang makinig sa oryentesyon na hinanda ni ate Merdeka (baka wrong spelling) at ni Sir Mon (naalala ko na ang name ni Sir). Tapos nun ay umikot ulit papuntang store at kumain ng snaks. Pagkatapos nguyanguyain ang mais ay dumako na tayo sa werhaws (borrowing the words of Kuya Alex).


Nagkaroon ng isang matinding labanan mula sa panig natin at sa mga elyens, este, mga damit pala na “donations” daw galing sa mga taong gustong mag-abot. Naalala ko ang sabi ni Sir Mon, “Hindi namin pwedeng piliin ang mga nagbibigay sapagkat umaasa lang kami sa mga binibigay. Kung ano ang meron, tatanggapin namin.” At may isa pang problema. Iisa lang ang kanilang sasakyan at pag nagkataon, pumipik-up sila ng mula sa Pasig, ol da wey to Bulacan. Ang lapit di ba? Tapos matatanggap lang nila ay isang supot ng mga damit (for the record, yung iba, basahan na). Pero, di nila ito tinatanggihan sapagakat sabi nya nga, umaasa lang sila sa mga binibigay ng mga taong ito.



Habang naroon ako sa itaas na bahagi ng mga gabundok na damit (feeling ko naakyat ko ang Everest) ay naisip ko nanaman ang isa pa sa mga sinabi ni Sir Mon, “Ukay3x…Akin3x…” Ito ang madalas nilang biruan sa tuwing magkakaroon ng bolunters na mag-aayos ng mga ukay ukay.  Kung kaya’t natanong ko sa aking sarili, “Ganun din kaya ako? Sa huli ba ay maghahanap ako ng kapalit sa aking naitulong sa kanila na kung tutuusin ay maliit na bagay lang? Naisip ko na kung sasagutin ko na ang mga tanong na ito sa mga susunod na pangungusap (for the record ulit, 5mins. bago ko naisip ang tagalong ng sentence) ay tapos na ang reflection ko kung kaya’t mamaya ko nalang sasagutin.



“May naaalala kaba sa tuwing may selebresyon? Halimbawa Pasko, o New Year, o di kaya naman ay Valentines Day (malapit na!). Malamang ay masaya ka sa mga okasyong ito, subalit hindi ang ating letter sender ngayon na sa tuwing sumasapit and All Souls Day ay naaalala nya ang isang napakalungkot na bahagi ng kanyang buhay…” ito ang sabi ni Papa Dudot sa kanyang programang Barangay Love Stories na pinapakinggan ko habang nagpatuloy kaming mag-ayos ng mga ukay ukay. Biglang namatay ang cellphone ko, lobat pala! (Hindi ito part ng reflection, gusto ko lang banggitin.hahaha). Kahit dismayado ay pinagpatuloy ko parin ang aking ginagawa umaasang matatagpuan ko ang sagot sa aking mga katanungan. Mga bandang alas tres ng hapon ay unti unti nang nagliwanag ang buong werhaws dahil  sa pagkakatanggal ng mga gabundok na damit na humaharang sa sinag ng araw. At habang tumatagal ay unti unti ko na ring naaaninag ang matagal nang nawawalang parte ng werhaws, ang sahig! Hanggang sa  naka-apak nga ako sa sahig na nagsilbing atsibment ko sa araw na iyon.

Natapos din ang aming pag-aayos ng mga damit. Nagkaroon ng maiksing pagpapalalim ng mga pangyayari sa buong araw. Bigla kong naalala ang aking mga katanungan at natagpuan ko ang sagot sa isang kasabihang matatagpuan sa isa sa mga pintuan papunta sa tindahan ng segunda mana sa may bandang gilid ng CR (kung saan nakakita si Kuya Alex ng di dapat makita…ang misteryosong bata ang tinutukoy ko). Doon ay nakasulat ang mga katagang “Giving feels like receiving.” Mula sa mga katagang iyon ay aking napagtantong hindi ko naman pala dapat hanapin ang kapalit ng aking mga ginawa ng araw na iyon. Nagbigay ako, ngunit sa pagbibigay ko ay natanggap ko rin at naranasan ko rin ang mabigyan. Naibigay ko ang kung anong meron ako at sa pamamagitan noon ay aking napatunayang may pag-aari din ako kahit papano. “You cannot give what you do not have. But since I am able to give, then it means that I have own something and by giving it to others gives me the claim that what I have given is mine, however I have decided to give it since I have all the right to give it to whom I am pleased. “ Dahit dito ay umuwi akong masaya. Nasabi ko sa sarili ko, “Kung tutuusin ako ang nakatanggap sa halip na ako ang magbigay.” Dahil ang aking mga natutunan sa araw na iyon ay higit pa sa kung ano mang tulong ang aking naibigay sa araw na iyon. Ang aking naibigay sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga damit ay mawawala rin pagdating ng panahong ibebenta na ang mga iyon. Mababaon na sa limot ang isang pagkakataong pumunta ako doon upang mag-ayos ng mga damit. Ngunit ang aking natutunan mula sa araw na iyon, kita nyo, hanggang ngayon ay daladala ko parin. Sa katunayan nga ay tina-type ko sila ngayon sa computer na ito upang maibahagi din sa inyo.

2 comments: