Marami
ng tumanda sa MUKHA AD. Yung iba naabutan pa yung first airing ng Voltes V sa
Pilipinas. Yung iba naman naniniwala hanggang ngayon na lahat ng nakikita sa
malls, overpass, bangketa ay nanggagaling sa Divisoria. Meron din namang nasubaybayan
pa ang pagdadalaga ni Maricel Soriano sa John en Marsha. May nakaabot din sa
panahong ang tawag sa sosyal at imported na gamit e PX goods, at ito rin yung
mga taong ang age-range e inaabangan pa ang antics ng Escalera brothers sa
Iskul Bukol tuwing gabi. Ganun katanda.
Marami
ding bumabata sa MUKHA AD. Yung mga naka-corporate attire kapag weekdays at
kuntodo ang pagkapormal e nagcocoloring book sa linggo at tumitili habang
gumagawa ng bahay ng gagambang yari sa straw sa sanga-sanga ng puno ng kalachuchi.
May mga pa-mature effect din pero in the end kung umacting sa stage ay wagas sa
pagka lukaret. Matindi ang kumpetisyon kumbaga. Hahatakin ka sa pagkabata kasi
kahit birthday hindi pinapatawad. Tuwing may kaarawan ang birthday cake ay
doughnut na tinusukan ng kandilang hugis tao (yung kulay pula na nabibili sa
Quiapo, hehe joke lang). Basta doughnut yun na tinusukan ng kandila na
sasabayan ng malupit na Happy Birthday song. Masaya naman sila. Dito ang daming
nangyayari, hahatakin ka talaga sa pagkabata. Ika nga ng ilan “Linggo-linggo
laging may bago.”
Marami
din namang tumatanda sa MUKHA AD. Walang halong echos to. May mga nakasalamuha
na din kaming mga Emo dito at mga taong nakakulong sa mundo ng tamagotchi. Yung
una dapat laging malungkot-effect at parang nagpadila muna sa elepante para
tumigas ang buhok saka pupunta sa MUKHA AD. Yung pangalawa namatayan ng tamagotchi
kasi buong araw nakipagtsismisan sa MUKHA AD hindi na napakain yung mukhang
tetris niyang alaga. Meron din namang astig! Yung tipong sasapakin ka kung
makatingin at sa sharing ipinamagmamalaking “black sheep” daw sila. Pero nung
lumaon tumitino din naman hehe. Peace lang. Anyway ang sabi nga ng matatanda
maturity comes with a healthy acceptance of one’s self. Pero sa isang banda mahalaga
din namang tanggap ka ng isang komunidad kahit sino o ano ka man, o saang
planeta o subterranean place ka man nanggaling para matanggap mo ang sarili mo.
Marami na rin ang nagsabi na yan ang karisma ng MUKHA AD. Hug ka namin
dito.
Balanse
ang MUKHA AD. Seryoso sa pag-aaral, honest sa personal sharings, cool sa games
at magaan kakuwentuhan over 3 in 1 coffee. Sa loob ng dalawmpu’t tatlong taon marami
na ding tumino at nagpatino ng tao dito, yung iba may pamilya na, may
housewife, househusband, abogado, teacher, doctor, nurse, pari, madre at napabibilang
sa kung anu-ano pang propesyon at bokasyon.
Sa
MUKHA AD importante ang pagdarasal. Sabi nga ni Peter Rosegger (1843-1918,
Austrian writer) “People used to say: Give your soul a Sunday! Now they say:
Give your Sunday a soul!” Kaya tuwing linggo kalakip ng pagsisimba ang
pag-attend sa MUKHA AD. Marami sa kabataan ayaw ng churchy-churchy group kasi
hindi daw fashionable, pero hindi naman ito fashion-fashion lang. Ang
kahalagahan ng pagdarasal at pananampalataya ay buhat sa malalim na karanasan
ng tao, lalo na yung mga nauna sa atin, sabi nga ni Blaise Pascal (1588-1651)
“Do you want to come to believe but do not know the way? Learn from those who
were tormented by doubts before you. Imitate their way of acting, do everything
that the faith requires, as though you were already a believer. Attend Mass,
use holy water, and so on. That will no doubt make you simple and lead you to
faith.”
Hindi
naman kailangang maging heavy ang buhay, pero dapat may weight. Kung sino ka
man hindi buburahin ng MUKHA AD ang mukha ng iyong karanasan. Sa iyong
karanasan nagpapakilala ang Diyos, ang Diyos na nagpakilala: si Kristo. Nawa’y
magkakilala tayo. Magpakilala, kilalanin natin ang isa’t isa.
0 comments:
Post a Comment